
Si Rovi Gem Escote Villame o mas kilala bilang Gigemboy sa Facebook ay isa pa ring estudyante ng UP Mindanao matapos ang apat na taon.
20 taong gulang at nakatira sa isang boarding house malapit sa Phoenix gasoline station ng Mintal, Davao City (Door 3 mula sa mint green na gate). Kilala rin rin siya sa pangalang GIGEM, GIGEMS, GIGS, GIGSTER, GIGEMSAN, ROVI at kung si Sir Basty ang tatanungin, ROGEEN (hindi ko alam kung bakit).
Hilig niya ang mag-edit ng FRIENDSTER at MULTIPLY account lalung-lalo na ang sagutan ang halos lahat ng quizzes sa FACEBOOK. Mahilig siya sa aso pero wala siyang alaga, may inampon siyang pusa ang pangalan - WOYONG...
Mahilig siyang kumain, matulog, manood ng korean novela sa mysoju.com, movies sa watch-movies.links.net, ilang videos nina Beyonce, Ciara, Rin on the Rox at moymoy palaboy sa youtube.com, at magdownload ng iba't-ibang klase ng browser - wala lang trip niya lang...Adik din siya sa KYLE XY, HOUSE MD at GOSSIP GIRL...
Pangarap daw niyang maging negosyante pero fudtek ang kinuha niyang kurso; walang balak maging researcher pero thesis ang kinuhang option; walang alam sa ballet pero mahilig s contemporary at modern dance; mahina sa math pero nagshift sa fudtek...
Hindi pwedeng wala siyang dalang lotion araw-araw, dapat retouch 24/7 ang paa at kamay.
Ayaw nya ng ipis, kalat at gagamba???
Isa siyang NAV KID at taga-hanga ni JESUS CHRIST!